"Ang pag-pigil ng isang kaso ay ang pinaka mabisang paraan sa paglaban nito. Aming ipakita sainyo kung paano"
Welcome, Kabayan!
-
Ang Specht & Pryer ay isang lawfirm na matatagpuan sa Downtown,
Vancouver
- Si Robert Pryer ay ang aming managing partner sa Specht & Pryer
Lawfirm. Siya ay may 17+ na taong kasanayan sa:
ü Personal
Injury Law
ü ICBC
Litigation
ü Immigration
Law
ü Corporate
Law
ü Divorce Law
ü Criminal
Defence & DUI Cases
Ang Specht & Pryer ay dalubhasa sa:
· ICBC Claims at Personal Injury Law: Mayroon kaming malawak na karanasan sa personal injury
law. Kami ay humahawak ng mga personal injury claims sa buong probinsya ng BC
at mayroong kahili-hiling rekord ng personal na serbisyo at tagumpay sa
pag-ririprisinta ng mga kliyente mula sa iba't ibang bansa.
· Dibursyo at Family law: Kapag ay nasa proseso ng isang family law matter, ang
pag-aalam ng iyong mga obligasyon at tamang karapatan ay ang unang hakbang sa
pagharap ng kaso. Bilang abugado ng dibursyo at family law, kami ay dalubhasa
sa: dibursyo, marriage agreements, separation agreements atbp. Mayroon kaming
malawak at nagkaroon ng iba't ibang karanasan sa pagharap ng mga family law
matters.
· Imigrasyon o
Immigration: Tumutulong kami sa mga taong gusto
mandayuhan sa Canada bilang skilled workers, negosyante, investor,
self-employed o sponsorship ng/sa miyembro ng pamilya.
Tumutulong rin kami sa mga nais manirahan sa Canada pansamatala bilang foreign
worker, estudyante, o dayuhan.
· Corporate Commercial: Kami ay nag-aalok ng epektibo at praktikal na legal advice na
nasa komprehensibong saklaw ng usapang pang negosyo, kabilang na
ang business structures, incorporation, registrations of foreign companies
in Canada, business acquisitions, business licensing, agreements and securities
regulation. Kami ay tumutulong sa negosyo -- maliit man o malaki, na mapatakbo
ito ng maayos, mahusay, at may kapaki-pakinabang at sapat na kita.
· Criminal Defense and DUI (Driving Under Influence): Ikaw ba ay kinasuhan, kinakasuhan o kakasuhan ng krimen?
Anu-ano ang iyong mga legal na karapatan bago ang paglilitis at habang
naglilitis sa hukuman? Kinakailangan mo bang dumipensa o nararapat lamang na
umamin sa kasalanan? Kami ay may kasanayan sa iba't ibang kaso ng criminal
defense tulad ng impaired driving, assault at shoplifting. Kapag ikaw naman ay
kinasuhan ng impaired driving o ang pagmamaneho na may impluwensya ng droga
o/at alkohol, ang nararapat na gawin ay humanap ng criminal defense lawyer
upang matulungan ka sa pag dipensa ng iyong kaso. Kami ay may kasanayan sa
pagdidipensa ng aming mga kliyente na may kaso ng DUI o mga kaso na kaugnay
dito. Ang mga dipensa na maaaring gamitin ay na-aayon depende sa sitwasyon.
Maaaring tumawag saamin sa (604) 681 2500, para makapag iskedyul ng appointment. Kami ay nag-aalok ng libreng konsultasyon upang mapag usapan ang mga detalye ng kaso, malaman ang posibilidad ng tagumpay sa paglutas ng iyong kaso at ma-tantiya ang service fee.
Comments
Post a Comment